Don't Say Bad Words · UpDharmaDown

Sa Hindi Inaasahang

“Sa inaasahang, pagtatagpo ng mga mundo.” (Tadhana, Up Dharma Down)

4:30pm. Meeting kanina. Para sa kalikasan.

Nagpatawag ng meeting para sa Environmental Week. Tatlo kaming estudyante kasama ang Committee Head mula sa Administration. Malamig sa silid. Syempre nag take down notes ako para attentive kunwari. 
Biglang may pumasok sa silid. “Excuse me, meeting po ‘to for Environmetal Week?” Hindi ako tumingin dahil busy nga ako mag notes diba. Sabay nagsalita si Ms. A, “Oh, ***! Buti nakarating ka nako kailangan talaga kita dito!” Nagulat ako, paker. Paglingon ko, shet siya nga! Yung taong nagpaiyak sa’kin noong isang gabi. Yung taong nagpaligaya sa’kin noong isang taon. Yung taong… ‘Yon. Puñeta. Ayon, nagulat din siya noong nakita niya ako. Nagulat kami sa isa’t isa. Tingin namin ay mga multo kami na bigla biglang nagpapakita at nagpaparamdam.

Puñeta talaga. Kasama pala rin siya sa committee. Syempre umusog ako para makaupo siya. Tas sabi niya “Uhh, Karlie excuse me” sabay tawa. Tas sabi ko “Ay, gusto mo pa ba ng space?” Sabay tawa ang lahat. Puñeta biglang uminit ang silid. Hindi ako mapakali. Hindi ako makapagsulat ng maayos. Yung feeling na parang may kababalaghan sa tiyan ko. Kinakabahan ako the whole meeting. Natutuyuan ako ng laway pucha. Hindi ko siya matignan. Jusko, nakakastress.

Naisip ko lang. Wala na bang mas awkward pa ‘don? Ang makasama ang taong noon ay minahal mo at hindi mo siguardo kung mahal mo pa o hindi? Ang magkasama kami sa iisang layunin na dati’y halos hindi magkasundo sa mga pinaglalaban? Na makatabi sa kaunting panahon ang dating kaagapay mo na akala mo pangmatagalan na? Na kaunting espasyo lang ang pagitan ngunit isang daang milya ang layo ng aming mga loob? Puñeta ‘diba.

Walang “bye” sa isa’t isa. Walang ngitian. Walang tinginan. Paglabas ng pintuan, magkasalungat ang aming tinahak. Ako pa hilaga at siya naman ay pa kanluran. 

Shet talaga. Di ako ready sa pagkikita naming ‘yon. Pero buti na lang bago yung uniform kong suot. Kaso ang gulo ng buhok ko at pawisan. Puñeta.

One thought on “Sa Hindi Inaasahang

Leave a reply to anghulinghugotero Cancel reply