Don't Say Bad Words

Ayoko Na

Ngayong gabi napagtanto ko na rin, sa wakas. Ngayong gabi natuklasan ko ang matinding panloloko. Panloloko sa aking sarili. Gaguhan hindi ba? Natuklasan ko na niloloko ko ang sarili ko. Napagtanto ko na pilit kong itinatanggi sa lahat na wala na ngunit mayroon pa, mayroon pa pala. Ipinangangalandakan ko na okay ako, okay ako. Pero hindi pala. Pinipilit ko lang pala. Bakit ganito? Hindi ko maintindihan. Higit isang taon na ang nakalipas ngunit bakit naiisip pa rin kita. Bakit naaalala pa rin kita sa mga bagay bagay. Bakit ganito? Maikli lamang ang ating pagsasama ngunit bakit bakit ganito katindi ang iniwan mo sa’kin. Ayoko na. Mukha akong tanga dahil hiling ako ng hiling sa Diyos na sana may dumating sa buhay ko na bago’t handang mahalin ako. May mga dumating at may dumarating. Hindi sa ayaw ko sa kanila o may mali sa pag-uugali nila. Kundi kaya ayaw ko sa kanila, ay dahil ikaw pa rin pala. Tangina. Ayoko na. Sawang sawa na ako sa mga alaalang naninindak tuwing mag-isa ako. Sawang sawa na ako kakakapit. ‘Yan ang totoo, hanggang ngayon ay kumakapit pa ako. Lapnos na lapnos na ang aking mga kamay sa kakakapit sa’yo. Pero hindi na kita maabot. Ayoko na. Ang sakit na. Pano ba matitigil ‘to tangina mukha na akong tanga. Ayoko na. Hanggang ngayon ikaw pa rin. Ang sakit. Hanggang kailan pa kaya ‘to? Suko na ako. Ayoko na. Pero hindi ko alam kung paano matitigil ‘to. Tangina mo. Ang sakit pa rin. Hindi ko alam kung bakit masakit pa rin. Ah shet oo nga pala, ikaw pala first heart break ko. Ayoko na. Ayoko na. Suko na ako. Gusto ko na matigil ang panloloko ko sa sarili ko. Ngunit paano? Paano.. Ayoko na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s