Grabe Lang · Just A Feeling

Litong-lito

Umuwi akong litong-lito. Nakatulala. Inisip kong mabuti kung bakit ako nagkakaganito. Ayon sa wakas, napagtatanto ko. Natuluyan akong makuryente kanina. Kuryenteng hindi ko alam kung tama o mali o kung may pagtugunguhan ba. Alam ko lang, masaya ako. At dahil ‘yon sa kaniya.

Oo, sa kaniya. Alam ko, mali ‘to. Mali ‘tong nararamdaman ko. Hindi ‘to puwede. Kailangang pigilan. Dahil ‘yon ang nararapat. Hindi ‘to maaari. Wala ‘to. Wala lang ‘to. 

Idadaan ko na lang sa kanta ng Up Dharma Down, “Nalilito na ako, hindi na dapat ganito.”

Okay na ‘yan. Sapat na ‘yan. 

Leave a comment