May lovelife na ako, confirmed!

Hinatid ko siya – sweet ko ‘no?

Here’s the kwento. Hindi natuloy yung lakad namin ng friends ko. Maaga natapos class ko and since ayoko pa umuwi, naisip ko na hintayin and ihatid na lang siya. Tinanong niya kung bakit ko daw siya hinintay eh wala naman sa plano na lalabas kami kasi umuuwi talaga siya sa Norzagaray every Saturday. Sabi ko pupuntahan ko si Alban, super friend ko na taga Lagro, tapos sabi ko dun kami magkikita sa SM Fairview – sakto kasi dun siya sumasakay ng jeep/bus pa-Norza. But the real thing, gusto ko lang siya ihatid. Wala lang, dati kasi nung may car pa siya lagi niya ko hinahatid. Tho alam kong hindi siya papayag na ihatid ko siya hanggang Norza, kaya nag alibi na lang ako. On the way, tinawagan niya bestfriend niya tas hihintayin daw niya SM Fairview then sabay sila umuwi sa Norza kasi sakto susunduin bestfriend niya dun. Kinukulit na niya ko na itext ko na daw si Alban na pumunta na sa SM. Syempre kunwari tinext ko pero haha hindi talaga. Pagdating dun, bigla siyang tumahimik sabay tawa “Hinatid mo lang ako ‘no?” sabay hampas sa balikat ko. Umamin na ‘ko hehe. Kumain kami sa foodcourt, nag tempura tas kwek-kwek. Tumawag si bestfriend litex na daw. Tapos pinagmamadali na niya ko kumain. Pati pag inom ko ng tubig eh minamadali niya. Medyo kinakabahan ako kasi makikilala ko na finally yung bestfriend niya. Almost one year na kasi pero hindi ko pa niya ko napapakilala sa highschool friends niya. Habang naglalakad, pinagmadali niya ko. Nasa SM na yung friends niya. Dumaan kami sa Watson, tumawag si bestfriend nasa H&M daw siya tas sabi ni jowa “Nasa Minisu lang ako hintayin mo na lang ako diyan.” 
Nasa isip ko, “Ah ok hindi pala ako ipapakilala.” Pinagmamadali niya ko lumakad, hinatid niya ko sa may sakayan ng fx papuntang Philcoa. Hindi niya ko hinawakan. Yung kanang kamay niya wala sa bewang ko. Dalawang tao yung pagitan namin sa isa’t isa. Paulit-ulit niyang sinabi na “bilisan mo kasi andito na sila.” Ewan, pangit ba ko? Hindi ba ko mukhang presentable? Isa ba akong pimples na tinubuan ng mukha? Eh bakit kaya ayaw niyang makilala ko bestfriend niya? 

Nandito na ako sa fx, lagpas FCM na. Nakaka-down pala talaga. Parang kinurot pink heart ko. Pero ewan ko, baka nga siguro pangit talaga ako. Char.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s