Ako nga pala gumawa ng mga ito · Mga Liham

Dear Self (2017)

Dear self,

Feels like yesterday lang ang peg? I’d say it again, ang bilis ng panahon grabe. Hmm I can still remember January 2016, super positive mo. Feel na feel ang pagiging “whole” self and freshly moved on mo. Plus, the feeling of not waiting for love to come cos super postive na darating talaga, ayun totoong dumating naman.

Anyway, 2016 is by far the most challenging (and painful) yet fulfilling year for you. Emphasis on challenging kasi December 2016, naisipan mo na i-end life mo. Ganun katindi yung stress na naranasan mo. Pero look, you’re writing this to yourself, you survived it.

2016 gave you a lot of opportunities. So much pain, so much learnings. Natutunan mo na hindi importante ang pride, pagmamahal ang dapat mangibabaw. Higit sa lahat, natuto kang hindi sumuko ng basta basta. Alam mo kung paano at kailan lumaban. Masaya ako kung sino ka man ngayon. Natuto kang piliin ang magmahal araw-araw.

Ngayong taon, wala akong masyadong “sana” para sayo. Ngayong taon, magtiwala ka lang sa sarili mo at kay Lord, sa universe. Mangyayari ang dapat mangyari sayo. Masama man o maganda, paniguradong makakatulong yun sayo, sa paghubog sa sarili mo. 

Sa pamilya, ipakita mo lang kung sino ka na kahit sobrang kulit at ingay mo sa bahay, nangingibabaw pa rin ang respeto mo sa magulang mo at sa mga nakakatanda. Know your boundaries. Tumatanda sila, ‘wag sayangin ang bawat oras na kasama sila. Sa mga kaibigan, wala eh, love guru ka. Magpasalamat ka na ikaw ang pinagkakatiwalaan nila at patuloy mo silang tulungan sa journey nila. True friends will remain by your side no matter what, they will defend you when you’re not around. Sa lovelife, magmahal ka ng buong-buo. Yung walang pigil, sagad-sagaran ganon. Paramdam mo yung overwhelming love mo. Deserve niya ‘yun. Masaktan ka man, namnamin mo ang bawat sakit at bangon ulit. Communication is the key. Ipaglaban mo hanggang kaya mo, wag kang bibitaw, wag kang susuko, sabi yan ni Mace. Laban lang. Alam ko this year, madami ka pang ma-ttouch na lives because of your words of wisdom and love advices. That’s one of your purpose i think. 

Excited ako para sayo at proud at the same time. Alam kong madaming opportunities ang darating para sayo. 2017 is going to be a year full of surprises. Madaming magaganap, kalma lang. 

Mahalin mo sarili mo. Nakalimutan mo yun nung 2016 eh, wala kang tinira ni isa. Make time for yourself. Learn to be alone again, there’s nothing wrong with that. Go shop, watch movies, and eat alone again. Pamper and treat yourself, you deserve it. Lastly, save and save! Please be mindful of your expenses. And do the 20-everyday challenge. 

Mahal kita Karlie kahit tanga ka sa love. Pero alam ko na strong ka. Nasaktan ka ng sobra-sobra at ngayon, mas matapang ka na at ready sa mga darating pang pagsubok. Face the challenges with a smile and prayer. Mahal na mahal kita, Karlie at hindi magbabago yun. I know you’re going to have a blast this year.
Xoxo,

Self

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s