Just A Feeling · Kwento Ko Sa Pagong

It’s the toga season – the undefined feeling

It’s the toga season na nga for the graduating students. Pagpasok mo sa school, ‘yun agad bubungad. Mga togang nakasabit sa hallway at mga graduate students na excited magsukat. Bawat daan ko, hindi ko mapigilang titigan ang mga toga. Sobrang ganda kasi. Tapos yung mga ngiti nung mga 4th yr and from grad schools, nakakaluha. Sobrang saya nila.

Hindi ko napigilan sarili ko at nilapitan ko ‘yung toga para sa mga M.A. graduates. Parang may pakpak. Siguaro pagsuot ko na ‘yun, parang lilipad talaga ako sa sobrang saya. Tapos yung sombrero, ibang-iba. May medalyon pa sa gitna. Nakakatunaw ng puso yung toga. Naluluha ako nung mga oras na ‘yun. Hinahawak-hawakan ko pa at ang ganda nung tela. Na-iimagine ko na agad sarili ko na suot ‘yun. Hindi na ako makapaghintay. Bata pa lang ako, M.A. talaga target ko. Nilapitan ako ni Kuya Toga at sabay tanong “Ma’am, graduate school?” Sagot ko naman, “Ay hindi pa po. 3rd year pa lang po ako. Pero susuotin ko din ‘yan.” Ngumiti lang si Kuya at sabay sabi “Huwag ka lang susuko”.

Sa isang taon, matatapos na ako sa wakas. Good bye College at hopefully hello Graduate School na. Ngunit ngayon, nalulungkot ako dahil dugo’t pawis na ang pinupuhunan ko’y hindi pa rin sapat. ‘Yung pakiramdam na ang laki-laki ng binibigay ko pero kapiranggot ang bumabalik. Natatakot ako na maglaho ang pangarap kong ito. Patapon mga grades ko ngayon. Class standing ko sa dalawang class ay F. 75 passing, 73 lang ako sa pareho. Madami kaming naka-F pero hindi ako kumportable dahil alam kong may ma-dedelay ako at baka maging Octoberian. Alam kong nakakatulog ako habang nag-aaral pero parang kahit anong effort ko, wala talaga eh. Hindi ata pa sa ‘kin ‘to. Kakapit na lamang ako sa mga pangarap ko. Kahit wala na akong makapitan.

Aasa ako, Team 2017, sana.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s