Grabe Lang · Just A Feeling · Kwento Ko Sa Pagong

Pamilya

Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong naninira. ‘Yung tipong nananahimik ang isang pamilya’t kung anu-ano ang masasakit na salitang binibitawan at hindi malulon sa sama nito. Na kahit anong magandang pakikitungo mo sa kanila’y parating nakikita ang pagkakamaling nagawa, ultimo maliit na bagay ay pinalalaki. ‘Yung ramdam mo na nakikipag kumpetensya sila kahit kami’y wala namang pakielam. Pag nakikita nilang umaangat ka’y pilit na hinahatak pababa. Tila gusto’y sila lagi ang naghahari. Eto namang pamilya ko, tahimik lang. Hindi gumaganti. May pagmamahal pa rin sa mga taong nananakit sa amin. 

Gusto kong magsalita ngunit tanging mga hikbi pa lang ang kaya ko. Gusto kong sumigaw sa sobrang galit, ngunit tanging panaghoy ang kaya ko. May respeto ako sa mga nakatatanda. Hahayaan ko kayo sa ngayon. Ngunit balang araw, babalikan ko ‘tong sinulat ko. Panigurado’y payapa na ang aking puso’t isipan. Hindi na umiiyak ang nanay ko. Ako na lang ang iiyak. Iiyak sa tuwa na nagtagumpay ako. Na nakaya kong maging matagumpay nang walang natatapakang dignidad at may respeto sa kapuwa. 

Ang lahat ng ito’y malalagpasan ko, ng pamilya, kasama ang Diyos. 

Advertisements

One thought on “Pamilya

  1. Hey chin up girl. Talagang kasama sa buhay yan. Ika nga kung ikaw ang bida, dapat may kontrabida. Pero nasasayo kung paano mo tatalunin ang kalaban. Either you do it with hate or with love. Keep growing. You’ll find your voice eventually.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s