Just A Feeling · Kwento Ko Sa Pagong

Email

‘Yan ang buhay ko. Walang araw na hindi ko chineck ang email ko. ‘Yung mga malalapit na tao sa ‘kin, alam nilang mas mabilis ako magreply sa email kesa sa text. Kaya kadasalan nahahawa na rin sila sa ‘kin at email na rin ang mas ginagamit.

Parang mga pelikula, may Puppy love rin ako noong 6 years old pa lang ako. Kapitbahay sila ng lola ko sa San Mateo. ‘Don kami nag babakasyon tuwing walang pasok. Magkalaro kami noong bata pero madalas kaaway ko siya. Bata pa lang kasi, paka hangin na. Akala mo kung sinong gwapo. Pero cute siya. Medyo lang pala. Maluwag sando niya na feel ko sa Kuya niya ‘yun eh. Pati shorts niya actually. Hilig niya basketball noon. Inaalok niya ako dati ng ice tubig pero lagi akong tumatanggi dahil iniisip ko may lason ‘yun. 
Hindi naman naputol communication namin.

Nung Grade 6 ako, ka-YM (old school days) ko siya. Halos araw-araw ‘yun. Pag-uwi ko, diretso agad ako sa computer para mag-YM. After YM, naging magkatext kami. Hanggang sa ayun, “in love” na daw kami sa isa’t isa. Since bata pa kami non, sabi ko sa kaniya itigil namin dahil mali ‘yun. Sabi niya, hihintayin daw niya ako after 4 years. 4th yr na ako no’n at sa tingin namin, mas alam na namin ang salitang “love”. Sabi ko naman, sige kung mahihintay mo ‘ko.

First year hanggang third year high school, hindi siya tumitigil. Nangangamusta pa rin siya pero hindi araw-araw. Binabati niya ako tuwing birthday ko, christmas, new year, at kung anu-ano pang okasyon. Hindi siya nakakalimot.

Fourth year high school. 4 years. Bumalik siya. Hindi ko nakakalimutan ‘yung sinabi niya na hihintayin niya ako after 4 years. True enough. Bumalik siya. Bumalik siya para sabihin sa ‘kin na meron na siyang iba. Na pasensya daw kung hindi niya natupad ‘yung pangako niya sa ‘kin. Sabi ko naman, “okay lang ‘yun”. 

Kokehiyala na ako. Pasulpot sulpot siya. Biglang magtetext at mangangmusta. Hindi talaga siya nakakalimot pag birthday ko.

Summer 2015. Incoming 3rd yr college na ako. Bumalik siya. Napapadalas ‘yung pagtetext namin pero madalas late reply ako dahil hindi ako sanay ng may katext. Email, natuto siyang gumamit ng email dahil sa ‘kin. Madalas dun kami nagkwekwentuhan. Nagbibigay ng advices sa isa’t isa at kung anu-ano pa. Busy ako no’n sa org madalas walang tulugan. Nagtetext siya ng hindi ko namamalayan at maya-maya’t lumilitaw siya pati sa email. One time ginabi ako no’n sa school dahil sa org at malakas ang ulan, sinundo niya ako sa Katipunan. Galing pa siyang San Mateo, A+ for effort talaga. Hinatid niya ako hanggang bahay ng lola ko. Masaya dahil gano’n pala ‘yung feeling pag hinahatid ka. 

First day bilang Junior. Nagkita kami during break time ko. Kwentuhan sa Starbucks at tawanan. Hinatid niya ako sa Katipunan. 

Hindi na nasundan after no’n kahit ilang beses naming sinubukan ay hindi pinayagan ng oras dahil hindi talaga kaya. Halos hindi na kami nagkakausap. Walang email o text man lang mula sa kaniya. Pero christmas at new year, hindi talaga siya nakalimot.

2/26/16 1:57AM. Nag-email siya, ang aking Puppy love. Nagparamdam ulit siya. Mahaba at sari-sari ang laman. Nangangamusta, nagkwento, at higit sa lahat, miss raw niya ako. May gusto raw siya sa ‘kin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Ewan.

Alam mo ‘yung pakiramdam na gusto mong magmahal pero hindi mo alam kung tamang oras na ba para ‘don? Alam mo ‘yung pakiramdam na parang alam mo na may nakatakdang oras para sa inyo pero hindi mo alam kung kailan ‘yon? Na para bang hindi siguro ngayon pero siguro ka na baka after 2 years or 3 years, kayo talaga para sa isa’t isa? Na ngayon, gusto mo munang magpahinga dahil ilang beses na ring na-hopia at nasaktan? Na feeling mo deserve mo munang hanapin ang sarili? Na kung mahal ka, hihintayin ka talaga? Na hahayaan ka munang tuparin ang mga pangarap mo sa buhay? Na umaasa kang sana pag dumating na ‘yung right time na ‘yun eh hindi pa huli ang lahat. Sana, sana. 
 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s