Mga Liham

Dear self (2016)

Dear self,

Grabe ang bilis ng panahon ‘no? Parang kailan lang give up na give up ka na sa stress na dulot ng acads at ng terror prof mo. (which is napasa mo naman yung course so thanks Lord) Akala mo hindi mo malalagpasan. Pero eto, tapos na oh. At surebolz na graduate ka na on 2017. Congrats to you!

Umiyak ka at tumawa. May mga panahon na nagkulong ka sa kwarto. Ayaw kumausap ng tao. Nakatulala sabay luluha. Mapapaupo na lang sa isang tabi at sinubukang intindihin ang mga gumugulo sa isipan. Nanunuod sa sinehan ng mag-isa. Kumain sa paboritong burger joint ng mag-isa. Nag-shopping sa mall mag-isa. Natutong mag-isa at nakilala ang sarili ng mag-isa. Masaya ako para sa ‘yo. Iba ka, iba ka.

Ngayong taon, sana mas makilala mo pa ang sarili mo. Sana buksan mo ang puso mo sa mga darating sa buhay mo. Bigyan mo sila ng chance na makilala ka at mahalin ka. Sana ngayong taon, mawala yang takot sa puso mo. You deserve to love and be loved. Sana may dumating sa buhay mo na ready at kaya kang panindigan. Yung hindi ka iiwan sa ere. Yung mamahalin ka ng buong buo. Basta, may you find Mr. Right ASAP.

Sana ngayong taon, seryosohin mo savings mo. Remember the difference between needs and wants. Bibili lang dapat kapag kailangan at hindi pag gusto. Invest for the long-run ha. Magtipid ka inday mahirap ang buhay.

Sana mas ma-enhance mo pa skill set mo. Don’t wait for opportunities to come, make the opportunities. I hope you’ll finish your two diploma courses. You can do this. Don’t be so stressed with org work. Mahirap pero kayang kaya. Mahalin mo ang ginagawa mo at mag-enjoy ka. Always put your heart in everything that you do. And offer it to the Big Man up there. You are blessed, keep that in mind. 

People just come and go. Trust yourself and God alone. Don’t show too much care on people who doesn’t even care for you. You will end up disappointed with your actions. Love yourself sabi ni Bieber.

Mahalin mo pa ang pamilya mo. There are times na masasaktan ka nila by words but i know you know your worth and you shouldn’t feel little about yourself. Make their words your armor. You’ll be stronger then. They’re included in your dreams and may you continue to love them even more. Have patience lang ha.

I am excited for what 2016 prepared for you. 4:30AM na oh. Basta tandaan mo, mahal kita at hindi magbabago yon. Mahal kita kahit loka loka ka. At mas lalo pa kitang mamahalin. ‘Wag na tanga ha. Utang na loob, 2016 na inday. Cheers para sa pagbabago!

Xoxo,

Self.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s