Collection of "panaginips" · Uncategorized

Nanaginip Ako

Nanaginip ako. Humiga daw ako sa may damuhan. Hindi daw ako nag-inarte. Pa-sunset pa lang ‘yun. Nakita ko ang langit. Madaming stars kahit medyo maliwanag pa raw. Tuwang-tuwa raw ako. Pero hindi ako nag-iisa. May kasama raw ako. Hindi ko nakita mukha niya. Pero nagsasalita siya. 

Sumakay daw kami sa van. Doon, kasama buong pamilya ko, nakita ko mukha nila. Sa harap daw kami umupo ni unknown. Nag-kkwentuhan habang tumatakbo yung sasakyan. Nakataas pa yung paa ‘ko. Akong ako kumbaga at walang preno sa kilos. Habang siya, natatawa na lang. Hindi ko talaga nakita mukha niya. Nakangiti raw kaming dalawa. Hagalpak sa tawa. Habang kinikilig dahil magkadikit ang aming mga balikat. Sobrang saya ko raw at ganon din siya.

Nag holding hands kami bigla sabay ngiti. Yung pag ngiti niya, ‘yun lang nakita ko. Cute yung smile niya. Nakakakilig. Pero nasa isip ko no’n, hindi ko pa siya masiyadong nakikilala tapos ganon na agad. May pagka-haliparot ako do’n, infairness. Pero iba yung feeling. Kilig talaga. Para bang nangyari talaga sa totoong buhay.

Kaso nagising ako. Ngayon ngayon lang at sinulat ko agad. Napapa-isip tuloy ako, sino kaya ‘yun?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s