Just A Feeling · Kwento Ko Sa Pagong

Ang dami kong gusto

As of now, gusto kong mag birthday sa isang orphanage sa Marikina. Gusto kong pasayahin ang mga bata sa kaarawan ko. Kaso wala pa akong sapat na budget. Pero pag-iipunan ko ‘to. May six months pa ako. Kaya ko ‘to.

Gusto ko bumili ng Long Champ bags. Isang longhand na pink and backpack na black. May ipon na ako pero kasi pupunta ako sa Singapore on January. Dagdag sa pocket money ko sana ‘yun.

Gusto ko mag Europe tour. Gusto ko makita si Pope, libutin ang Roma, ang Eiffel Tower, magpa-picture na parang pinipigilan ko ang pagbagsak ng tower of Pisa, makita ang Amsterdam, pumunta sa mga museum, at kung anu-ano pa. Pero masyadong mahal. 3750USD. Saan ko naman pupulutin ‘yun. Shet ‘diba.

Gusto kong mag bunjee jump sa Macau. Birthday wish ko ‘to noong 18 pa ako. Hindi ako nag debut dahil ayoko kaya cash ang binigay sa ‘kin. Hindi ako tumuloy noon dahil busy buhay college. Gusto kong tuparin ‘to pero siguro mga 28 pa ako bago ko ‘to ma-achieve. Kaloka profs eh.

Gusto ko mag Sagada. Alam kong binging bingi na si Mt. Kiltepan sa mga taong sumigaw at sumisigaw sa kanya na mga gustong maka-move on. Pero Mt. Kiltepan, dontcha worry. Hindi ako sisigaw. Ibubulong ko lang sa ‘yo. Pero siguro mga next year pa. 

Ang dami kong gusto. Bakit ganito shet. Pero naniniwala ako, balang araw, makikita ko ‘tong sinulat ko at sasabihin ko sa sarili ko na “Uy, nag birthday ako nung 20 ako sa orphanage. Shet, nag Sagada kami nung nung 21 ako. Omg, nag bunjee jump ako nung 22 ako sa Macau. At cheka, kakagaling ko lang sa Europe last week! Oops, mukhang Crayola set na Long Champ bags ko hihi arrange ko nga by shade brb.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s