Don't Say Bad Words · HuGOAT · Just A Feeling

Nagsulat siya pero hindi ako ang laman, pakyu ‘no?

Last week, ni-launch sa school ang Official Literary Folio ng kolehiyo. Puro mga tula. Pero hindi ako kumuha ng kopya.

Pagdaan ko kanina sa hallway, may natitira pang kopya. Kumuha ako. Hindi ko alam kung bakit.

Ngayon, nasa bahay na ako. Binuklat ko ito at ngalan mo ang bumungad sa akin. Tatlong tula mula sa ‘yo ang kasama sa nilalaman nito.

Pagtingin ko sa description of writers nakalagay, “Nagsimulang mahumaling magsulat mula noong tag-araw ng nakaraang taon dahil sa liwanag na nakita.” Alam ko ‘tong liwanag na tinutukoy mo. Liwanag na nagsabi sa ‘yo na mahal mo pa rin siya. Na pag ako yung kasama mo, ako. Pero pag ikaw na lang, siya. Tangina mo.

Sa una mong tula, “Pakisabi sa babaeng may diyamente sa pangalan, nangangarap akong siya ang aking kanlungan.” Eto ‘yun eh. Naalala ko noong umamin ka sa akin na nagsusulat ka tungkol sa kaniya at hindi tungkol sa akin. Gusto kong isipin na para sa ‘kin ‘tong tula mo. Na nangangarap kang ako ang nasa ‘yong kanlungan. Pero hindi eh, walang diyamente sa pangalan ko. Anghel lang, anghel. Tandaan mo, yung diyamante mo, ‘wag siyang makapunta punta sa kanto ng bahay namin at isasanla ko siya sa Cebuana Lhulier gago.

Sa pangalawa mong tula, gago mas masakit. “Ang dami nang ikot ng mundo sa araw, ang kaniyang anino, naghihintay pa din, Pangatlo.” Lul, hindi ka niya mahal! Pucha ang tindi mo, hanggang ngayon hihintay mo pa siyang bumalik sa ‘yo?  Naghihintay ka para sa ikatlong pagkakataon? Gago ano ‘to sequel ulit ng The Second Chance? Feeling John Llyod at Bea? Tangina iba ka ah. Ako naman, ako naman sana hintayin mo. 

Pangatlo mong tula, tangina ayoko na. Ang sakit gago. Puro talaga siya ang laman ng mga tula mo.

Darating ang araw, ma-ppublish din ang mga gawa ko. Hindi tungkol sa ‘yo, kung pano mo ‘ko sinaktan o kung ano pa. Darating ang araw, babasahin mo ang mga gawa ko tungkol sa aking pagbangon mula sa dilim ng kahapon na dulot mo. Tandaan mo, darating ang araw, hangin ka na lang para sa ‘kin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s