Don't Say Bad Words · UpDharmaDown

Inaasam

Kanina may sine-search kami sa Facebook. One mutual friend. At ikaw ‘yon. Hindi ko pinansin pero ‘tong kaibigan ko hindi nakuntento sa pang-aasar at binuksan pa profile mo. Hindi ko pinansin dahil gusto kong ipakita na “Duhh, naka-move on na ako.”

May mga booths sa hallway papuntang cafeteria. Pag daan namin, biglang tumugtog ang pambansang awit natin, Sana ng Up Dharma Down.

“Ohh sana, inaasam muling makatabi at makahalik sana.”

Inaamin ko, nataranta ako. Medyo nalungkot ako. Naalala na naman kita, puñeta. Apektado pa rin ako sa kantang ‘yon. Dati ay paborito ko ‘to dahil isa ito sa mga obra ng Up Dharma Down at swak sa panlasa ko. Matapos ang paghihiwalay natin, nagbigyang bihis ang kanta. Tska ko lang naintindihan ang lyrics at mensahe nito. Masakit ang lyrics sinsakit ng ating pinagdaanan. 

Kahapon, halos magkatabi lang tayo. Hindi ko alam kung napansin mo yun dahil busy ka sa kausap mo. Dati pa naman ay ganiyan ka na. Madami kang kinakusap dahil Secretary ka noon ng ating Sanggunian. Ngayon ay dumoble ata dahil Vice President ka na. Oo na, magaling ka. Pasensya na kung hindi kita tinignan dahil alam ko namang hindi ka titingin. 

Noong isang araw, umagang umaga ay pangalan mo na agad ang bumungad sa ‘kin. Sabi ng mga kaibigan ko, “Nakasalubong namin si *** kahapon! Nakatingin lang samin.” Higit isang taon na ang nakalipas at nirereport ka pa rin ng mga kaibigan ko. Kung dati ang linya nila ay “Nakita namin si ***! Todo ngiti eh halatang happy” ngayon ay ganoon na lamang.

Madami pa akong gustong i-kwento pero kailangan ko na ‘tong tapusin. Nag grad pic na pala kayo. Konti na lang at ggraduate ka na. Hindi na ako makapaghintay na sabihin muli sa’yo ang salitang paalam.

Pagdaan ko ulit sa hallway, tumutugtog ang Luna ng Up Dharma Down.

“Inaasam ang paglaya ng buwan na laging  mag-isa.”

‘Yun na yon eh.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s