Just A Feeling

Kapatid

Madalas sinasabi ni Mama na “Mahalin niyo ang isa’t isa. Dahil kahit anong mangyari, sa huli, kayo pa rin ang magtutulungan.” Gustong gusto kong mahalin ang kapatid ko ngunit sa kaniyang kilos at pananalita’y naiisip ko na sumuko sa pagiging kapatid niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit laging mainit ang ulo niya sa akin. Sa tuwing ako’y kaniyang bibiruin, nakikisakay ako sa mga pang-gagago niya. Ngunit pag siya’y aking biniro at ginago, sandamukal na mura at lunod sa sigaw ang sukli sa ‘kin. Hindi ko alam kung sadyang sutil ako o sadyang sobrang pikon niya. Sa kagustuhan niya akong bwisitin, sa huli’y siya ang napipikon at nananakit. Madalas ay sabunot o kurot na bumabakat sa aking balat. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at hindi ako pikon na tao. Sa tuwing may maliit akong kamalian, mga salitang: puta, bwisit, epal, tanga, bobo, o pakyu ang agad na bumubuhos sa aking harapan. Tila ipaparandam sa akin na isa akong malaking kamalian sa mundo. 

Naiinis ako dahil kung sino pa ang panganay, ay siya pa ang makitid ang utak. Makitid ang pag-iisip niya. Masiyadong mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili. Walang respeto sa magulang. Walang pangarap sa buhay. Yung tipong sige oo may position ako at lulustayin ko ang pera ko hanggang sa walang natulong sa bahay. Puro inom o gala ang inaatupag. Samantalang ang responsibiladad niya bilang may alaga ng aso ay inaasa niya kay Mama. Nakakagalit.

Isang buwan nang mahigit at hindi ko pa rin siya kinakausap. Ang hirap sundin ng bilin ni Mama. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s