Kwento Ko Sa Pagong

Jeep

Ayoko sa masisikip na jeep. Ayoko sa maiingay na jeep. Sa makatuwid, ayoko sa patok na jeep.

Kanina, sumakay ako sa jeep. Isang jeep na simple. Walang palamuti. Sira sira na ang upuan. Ang mga hawakan ay tila bibigay na. Walang tugtugin at tanging tunog ng makina at tambutso ang maririnig. Malawak. Malaki ang epsasyo’t nakakahinga ako nang maluwag. Salamat, Lord.

Nang malapit na ako sa aking destinasyon, sa Anonas, palinga-linga si Manong Driver. Tila hindi mapakali. Sabay lingon at sambit, “Lipat na lang po kayo sa kabilang jeep ako na po bahala magbayad.” Wala akong magawa kundi bumaba ng Jeep. Pinalipat kami sa jeep na parang sardinas. Siksik na nga, ipagsisiksikan ko pa ang sarili ko. Malagkit sa pakiramdam. Mainit. Nakaka-init din ng ulo. Hindi ako makakilos. Sobrang sikip. Hindi pa naman ako sanay na ipagsiksikan ang sarili sa mga ganoong sitwasyon. Sinabayan pa ng mga tugtuging nakakarindi.

 “Bakit nga ba mahal kita kahit na may mahal ka nang iba?” “Bakit labis kitang mahal?” “Sana dalawa ang puso ko hindi na sana nalilito kung sino sa inyo”

At kung anu-ano pa pang mga kantang tumatagos sa puso. Napapakunot na lamang ang aking mga noo sa mga tugtugin. Hindi nakakatuwa. Nakakadagdag lamang sa init. Alibadbad. Yan ang tamang termino na makakapagpaliwanag ng pakiramdam ko kanina.

Ayoko talaga sa masikip at maingay na jeep. Hindi ako nakakahinga nang maluwag. Hindi rin makapagpahinga ang aking isipan. 

Lumagpas ako sa dapat kong bababaan. Hindi ako makapag-para dahil sa sikip at alam kong hindi rin ako makakalabas ng buo. Napadpad ako sa Cubao. Sumakay ulit sa sira-sirang jeep. Dito napakalma ko ang aking isipan. Nakakahinga. At ngayo’y matapos na magsulat. Salamat, Lord.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s