Just A Feeling

Tinanggihang Pag-ibig

Yung taong tinanggihan ko ang pagmamahal, nakita ko siya. Kanina. May kasamang iba. Masaya siya. Masaya sila. Umuulan. Wala silang payong. Ginamit niya ang kaniyang jaket sa pagpandong nilang dalawa habang lumalakas ang pagpatak ng ulan. Parang pelikula nila John Llyod at Toni. Ganon na ganon ang eksena. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yon, sa totoong buhay din pala. 

Pinagmamasdan ko sila habang mabilis ang pagtakbo ng kotse na aking sinasakyan. Hinahabol ng aking mga mata ang eksenang iyon. Eksenang nagbigay ngiti sa aking mga labi. Ang saya nila pagmasdan. Bagay na bagay sila sa isa’t isa. Masaya akong makita kang masaya, J. Pasensya ka na sadyang hindi kita kayang paligayahin kagaya ng pagpapaligaya niya sa’yo. Masaya ako para sa’yo. Ay, para sainyo pala.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s