Don't Say Bad Words

Kagabi

“Madaming nagkakagusto sa kaniya. Sobrang clingy na nga siya sa lahat eh. Lumalandi na. Hindi naman siya gano’n dati, diba? Feel ko nga umaasa na yung iba eh. Basta nag-iba na siya.”

Heto na ba ang panibago mong sorpresa? Nagulat ako. Hindi ko inaasahan. Sa totoo lang, nasaktan ako sa mga narinig ko. Bakit. Paano. Hindi ka ganiyan dati. Hindi ka malandi. Oo pinagtatanggol kita. Hindi ka ganiyan eh. Anong nangyari? Dahil ba nakarating sa’yo ang balita na may “bago” ako? Kaya ba pinababantayan mo yung pumoporma sa’kin? Sa totoo lang, wala na siya. Hindi ko tinuloy yung amin hindi dahil sa hindi ko siya gusto, kundi ayoko pa. Magkaiba ‘yon. Hindi ka talaga ganiyan dati. Nag-iiba na tingin ng tao sa’yo. Todo protekta ako sa’yo noon dahil madaming nakatingin sa’yo. Na dapat maging ehemplo ka sa kapuwa estudyante dahil sa posisyon na iyong pinanghahawakan. Ngunit tinago natin ang atin upang hindi maka-apekto sa iyong imahe. Sana ngayon pangalagaan mo pa din ang imahe mo. Susuportahan kita sa huli mong termino. Malapit mo nang harapin ang tunay na mundo. Sana maliwanagan ka. Hindi ka ganiyan dati.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s