Don't Say Bad Words

Paghanga

May bago na naman akong natuklasan tungkol sa’yo. Oo, tungkol sa’yo na naman ito. Ikaw nga at walang iba. Hindi ko ito sinasadyang makita o malaman, kusang lumitaw at nagpakita. Isang artikulo kung saan ikaw mismo ang nagsulat. Ang artikulo ay tungkol sa iyong karanasan sa pagboluntaryo sa isang organisasyong kumakalinga sa mga kapatid nating may kapansanan. Luha ang dumaloy sa aking mga pisngi. Hindi ko napigilan. Iba ka talaga. Lagi mo akong nasosopresa sa kabutihan ng iyong puso. Pusta ko, hindi ito alam ng mga kaibigan mo. Dahil gano’n ka, tinatago mo sa sarili mo ang lahat. Gusto mong kusang nadidiskubre ng mga tao ang kagintuan ng iyong puso. Iba ka. Hanga talaga ako sa’yo. Hindi ka basta basta. Nagtataka ako kung paano mo napagkakasya ang iyong oras sa dami nang iyong tungkulin bilang isang anak, comm/film student, mahusay na lider na sumasangguni sa mga mag-aaral ng iyong kinabibilangan at boluntaryo sa kung ano-anu pang organisasyon na mapa-loob man o labas ng paaralan. Iba ka talaga. Iba ka. Ngayon, mas naintindihan ko kung bakit halos wala kang oras sa’kin noon. Kung bakit hindi natuloy ang mga planong iginuhit lamang sa hangin. Sa mga nalalaman ko, lalo lang ako humanga sa’yo. Ibang klase ka. Alam kong hindi pa ito ang huling sopresa, alam kong madami pa. Hinihiling ko lang na sana’y huwag mong pabayaan ang sarili mo. Sa totoo lang, dapat hindi na ako nagsusulat pa tungkol sa’yo. Pero grabe, hindi ko talaga mapigilan. Ang husay mo. Iba ka. Iba ka.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s