Don't Say Bad Words · UpDharmaDown

Oo by Up Dharma Down

Naaninag ko, naaninag ng aking mga mata na siya yon kahit hindi ko pa nakikita ng mabuti. Alam ko agad na siya talaga yon. Ayokong lumingon, ayoko talaga. Oo nga, tama ako, siya nga at wala nang iba. 

Sabay tumugtog ang isa sa aming mga paboritong kanta, Oo ng Up Dharma Down. ‘Di mo lang alam, naiisip kita. Baka sakali lang maisip mo ako. ‘Di mo lang alam, hanggang sa gabi, Inaasam makita ka muli. Ang puso ko’y nagalak nang makita siyang muli. Pagkalipas ng mahabang panahon at hindi mabilang na paghiling ng pagkakataon, sa wakas at napagbigyan din. Nagkasalubong ang aming mga mata ngunit hindi napagbigyan ng tadhana upang magpalitan ng mga matatamis na ngiti. Mabilis, mabilis lamang ang pagkakasalubong ng aming mga mata kasing bilis ng pagtibok ng puso ko noong mga oras na iyon. Halos magkalapit lamang ang aming upuan ngunit magkabilang mundo ang pakiramdam. Bakit, bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Ano na naman ba ito? Mga alaalang taksil ay tila yata’y nagbabalik din. Nagtapos ang lahat sa ‘di inaasahang panahon at ngayon ako’y iyong iniwan. Luhaan, sugatan, ‘di mapakinabangan, sana nagtanong ka lang kung ‘di mo lang alam. Sana’y nagtanong ka lang kung ‘di mo lang alam.

‘Di mo lang alam ako’y iyong nasaktan o baka sakali lang maisip mo naman. Puro siya na lang, sana’y ako naman. ‘Di mo lang alam, ika’y minamasdan. Oo, inaamin ko, tinignan ko siya. Hindi ko napigilan ang aking sariling na hindi tumingin sa kaniya. Tinititigan ko siya, nang hindi niya alam. Nakatingin ako sakaniya, umaasang siya’y titingin din ngunit hindi tumingin. Okay lang, okay lang, mabuti na rin at hindi nahuli ang mga mata kong umaasa. Galak na galak ang aking puso habang pinagmamasdan ang kaniyang mga  ngiti’t tawa. Ang maliliit niyang mata’y kumikisap kisap at tila mga bumbilya tuwing pasko. Hindi ko alam kung bakit ko pa siya tinignan. Hindi ba dapat ay wala na akong pakielam pa?

Tumatalon ang aking puso sa saya. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwa. Salamat sa pagkakataon na ito. Alam kong hindi ito tadhana, pagkakataon lamang ang lahat ng ito. Sana mapagbigyan muli. Sana, sana. Malas mo, ikaw ang natipuhan ko. ‘Di mo lang alam ako’y iyong nasaktan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s