Uncategorized

Dream Lang Ng Dream

Pangarap ko mag PJMA. Yun yung pinaka mataas na org ng course ko. Kapag nakapasok ka don, tingin agad sayo magaling ka. Yung kaibigan ko nakapasok. Walang halong biro, sobrang galing niya. Trainee siya noon at VP for Logistics na siya ngayon.

Sa kalagitnaan ng ORCOMM, start na ng submission ng app forms for Synergy Trainee. Excited ako syempre.  Pero ibang stressed na-feel ko sa ORCOMM. Araw-araw pagod. Kaliwa’t kanan contact sa sponsors para sa big event. Almost every week may naka schedule for pick-up ng x-deals. Nakakapagod. Nakarating kami kung saan saan. Buhat ng kahon doon, buhat ng kahon rito. Masakit sa katawan pero okay lang. Nawala sa isip ko yung PJMA. Last day of submission, inayos ko lahat. As in lahat. 30 mins before, prinoofread ko app form ko. Sobra yung kaba ko. Pangarap ko yun eh. Kailangang pagbutihin. Nung isesend ko na, ayan na. Nagloko na wifi namin. Hindi ko alam pero parang may pumigil sakin non. Hanggang sa pumatak sa 12mn at hindi ko pa rin nasend. 12:03, tska biglang umayos wifi at nasend email ko. Deadline is until 12mn lang. Umiyak ako non. Kasi gusto ko yun eh pero parang hindi ata talaga para sakin. Masakit pero tinanggap ko. Tuloy pa rin ang buhay. 
Ngayon, eto ako, Sponsoring Committee Head sa MJMA. Kinukuha rin ako ng isa pang org as Assistant Marketing Head. Tapos eto, sinasagutan ko ang Junior Officer app form. Tinext ako nung Secretary ng org ko kagabi, sabi niya apply daw ako for EVP JO. Nakakataba ng puso dahil naalala ako kahit hindi ko pa alam ang tungkol don. 

Totoo nga, hindi mo kailangang ipagsisikan ang sarili sa isang bagay. Akala mo lang kasi sa una ay para sa’yo. Pero ang totoo, kailangan lang maghintay. Madami pang darating. Eto na nga, may mga dumadating na opportunities. At sunod sunod pa. Ang sarap sa feeling. Salamat Lord. Salamat po talaga. Gusto ko pa talaga ‘to. Alam ko sa sarili ko, i’m made for Marketing. Mahal ko ang ginagawa ko. Salamat po ulit Lord. Iba ka, iba ka.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s