Uncategorized

One Year Ago

Umuulan. Malakas hangin. Pero hindi nagpatinag, nagkipagkita pa rin ako sayo. Moonleaf Batcave. Naghintay ako. Naghintay hanggang sa dumating ka. Kwentuhan konti. Sabay seryosong usapan na. Hindi alam kung paano sisimulan. Naghihintayan kung sinong mauuna. Nauutal sa tuwing ibubuka ang mga bibig. Sa wakas ay nasabi rin, ang laman ng puso’t isipan. Matagal man bago nasambit, mahalaga’y nasabi. Akala ko’y magiging maayos ang lahat. Yun pala’y lalong lumala. Sabay sa buhos nang ulan, ang luha kong ayaw magpaawat. Pilit na pinipigilan ngunit kusang dumadaloy. Mga salitang galing sayo ang pumatay sa aking ngiti. Puso ko’y nadurog at tila hindi na mapulot. Pinilit kong maging matatag sa iyong harap, sapagkat iyon ang nararapat. Bawat salita mula sayo, kirot sa aking puso ang bumalot. Pilit na pinalabas sa aking mga tenga ang masasakit na salita, ngunit hindi nagtagumpay. Wala na. Wala ka na pala. Ako na lang ang natira. Masakit. Sobrang sakit. Ayaw mong maghintay pa ako. Ayaw mong masaktan pa ako. Pero nasaktan na ako. Durog na durog ako. Buong pagkatao ko. Hindi ko alam kung paano nangyaro yon. Ang alam ko lang ay dinurog mo ako. Nasktan ako ng sobra sobra. Yung sakit na mapapamura ka na lang. Kasi masakit eh. Masakit malaman na ikaw na lang yung lumalaban. Ikaw na lang yung natira. Sobrang sakit. Sana nga pinatay mo na lang ako eh. Umuwi akong luhaan. Tila bibigay ang aking nga tuhod sa sakit na naramdaman. Umiiyak hanggang sa pagtulog. Hanggang sa eskwela, hindi ko mapigilan. Ganon kasakit. Natutulala sa sakit. Nakakatulog sa sakit. One year ago, nawasak mo ako at akala ko hindi ko makakaya. Ngayon, eto ako. Buhay pa rin. Hindi ko inaakala na malalagpasan ko ang lahat ng iyon. Maraming salamat. Salamat dahil naging mas matapang at matatag ako. Maraming salamat sa lahat ng sakit dahil natuto rin ako. Maraming salamat dahil nalaman ko ang pakiramdam kung paano masaktan. Maraming salamat dahil hinayaan mo akong mahalin ka. Maraming salamat dahil nakangiti na ako ngayon. Sana ikaw rin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s