Don't Say Bad Words · UpDharmaDown

Pink Ang Damit Niya

“Bakit nasisindak pa sa tuwing naaalala? Matatauhan na, wala na pala.”

– Sana, Up Dharma Down

Naglalakad kami ng friend ko nang bigla siya sumigaw,  “Uy, Si **** oh!” Syempre ako namang si gaga, todo lingon. Pagtingin ko.. Shet siya nga. Siya nga. Pero nakatalikod na siya nung tumingin ako. Binagalan ko ang paglalakad para maabutan ko siya. Lam mo na damoves. Pero nakatalikod parin siya. Sinubukan naming sundan siya pero paikot-ikot sila ng mga kaibigan niya. Kung saan saaan pumpunta. Puro stop over. Nawiwindang ako. Hindi ako mapakali. Sabay hirit nitong kaibigan ko, “Akala ko ba moved on ka na?” Pasensya na, nasindak talaga ako. Matagal tagal ko siyang hindi nakita at hindi kami nag-uusap. Mga 4 months rin pala. Kaya siguro sabik na sabik akong makita siya. Pero hindi eh, hindi nakatadhana. Umupo na kami ni friend sa isang lugar kung saan may wifi. Kumabit nalang ako sa wifi para balik good vibes. Tahimik lang si friend habang ako busy sa pag-check ng email. Biglang tanong ni friend “Nag-ssnapchat ka pa?” “Ako? Hindi na nga eh.”  Sabay pinakita niya sakin na na-videohan niya yung pagdaan sa likod ko nung taong minahal ko. Alam mo yung mga nasa pelikula? Yung nakatalikod yung isa tas dadaan sa likod? Yung mabagal pa. Grabe talaga. Dinadaan-daanan na lang iyon.

Ah, basta. Ang alam ko pink ang damit niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s